April 07, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Buboy Villar, kinatakutan ng ex-jowa na baka matokhang sa panahon ni Duterte

Buboy Villar, kinatakutan ng ex-jowa na baka matokhang sa panahon ni Duterte
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YT)/Angillyn Gorens (FB)

May bagong pasabog ang dating karelasyon ng Kapuso comedy actor at host na si Buboy Villar, na si Angillyn Gorens, matapos ang naging panayam ng una sa "Fast Talk with Boy Abunda."

Matatandaang muling nilinaw ni Buboy kay Boy Abunda noong Abril 4 na hindi niya sinaktan ang dating karelasyon, taliwas sa akusasyon nito sa kaniya sa pamamagitan ng Facebook post noong Marso 26.

Nauna nang nagsalita si Buboy tungkol dito sa panayam naman ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas at pinabulaanan ang pananakit niya sa dating partner.

Sa panibagong Facebook post ni Angillyn, Linggo ng madaling-araw, Abril 6, tinawag niyang "napakasinungaling" si Buboy.

Tsika at Intriga

Daniel Padilla at Kyle Echarri, muntik magrambulan dahil kay Kathryn Bernardo?

Bukod dito, isa pang mabigat na paratang ang kaniyang ipinukol laban sa dating karelasyon, hinggil sa umano'y paggamit nito ng isang ipinagbabawal na bagay.

Aniya, noong magkarelasyon pa sila ay natakot daw siyang baka "matokhang" si Buboy sa "panahon ni Duterte" o tumutukoy kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa kampanyang "war on drugs."

Mababasa sa kaniyang Facebook post, published as is, "buboy villar.. 1 week ka nag practice ng script?? ginagawa mo pako sinungaling at baliw? nakakalimutan mo na bang sinasaktan moko lalo pag wala kang marijuan4??"

"galit na galit ka at wala ka sa ayos. pag wala kang ganon nag aaway tayo kasi panahon ni duterte natatakot ako na matokhAng ka. ideny mo ha?hahaha . and last DAHIL NAPAKASINUNGALING MO," aniya.

Nag-react din si Angillyn hinggil sa isyu ng sustento ni Buboy sa kanilang anak.

"kelan ka nag bigay ng 120k?? gusto ko icomment mo dito or ipost mo yung proof mo na nag bigay ka ng 120k na sustento. 10th at 25th ng month SABI MO tag 60k binibigay mong sustento at nagkakahalagang 120k SABI MO YAN SA INTERVIEW malinaw na malinaw hahaha bakit hindi mo rin na mention na 1 and a half YEAR 0 pesos binigay mo at napakarami mong utang sa mama ko na sinasabi mo babayaran mo pero di na pinabayad sayo nagmumuka kaming pera sayo kapal ng mukha mygoodness," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Angillyn Gorens (FB)

Matatandaang sa kasalukuyan ay na sa International Criminal Court (ICC) ang dating pangulo upang harapin ang kasong "crimes against humanity" na isinampa laban sa kaniya, dahil umano sa madugong extra-judicial killings (EJK) ng Oplan Tokhang o giyera kontra droga, sa kaniyang administrasyon. 

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

KAUGNAY NA BALITA: Ex-jowa, tinawag si Buboy Villar na napakasinungaling: '1 week ka nag-practice ng script?'

Samantala, wala pang reaksiyon o pahayag ang kampo ni Buboy Villar hinggil sa post na ito ni Angillyn. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.