Aprub ba? Ivana, nag-react sa pa-calendar girl ni Melai ng tuba
Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi sa "birthday bash post" ni Kapamilya comedy star at TV host Melai Cantiveros, na makikita sa kaniyang Instagram post.
Aliw ang kapwa celebrities at netizens kay Momshie Melai dahil nag-ala calendar girl lang naman siya ng isang nakalalasing na inumin ng mga Pilipino—ang tuba!
Hirit pa ngang biro ng komedyana, kaya rin niya ang mga pose na ginagawa nina Ivana at Asia's Outstanding Star Kathryn Bernardo.
"Akala nyu @bernardokath and @ivanaalawi kayu lang magaling sa ganitu na posing???????? . Tama ang akala nyu kayu lang tlaga kasi pangit ng kalabasan ko dtu hahahaha This is my Birthday Bash Post , totoong bash tlaga makukuha ko dtu Pero shout out jan sa mga Kuantie and mga Momshie na ready ang Tuba at Bahalina sa Bday na may kasamang chismisan pa The BestHappy Bday To Me , #AprilFoolsBdayToMe #TubaChronicles," ani Melai.
"Thank you sa mga following na nabudol ko sa pictorial natu," aniya pa.
Pero hindi naman bash ang nakuha niya dahil aprub na aprub sa kapwa celebrities at netizens ang kaniyang paandar.
Kahit nga si Ivana, napakomento rito.
"HAPPY BIRTHDAY!!! WALA NA TINAPOS MO NA ANG LABAN," aniya.
Ang inaabangan na lang, ano kayang masasabi sa kaniya ni Kathryn na kasama niya sa "Pilipinas Got Talent" season 7?
KAUGNAY NA BALITA: Soafer kabog! Melai Cantiveros, 'calendar girl' ng tuba