Inilabas na ang official teaser video ng kauna-unahang pelikulang pagtatambalan nina Kapuso star at Primetime King Dingdong Dantes at Kapamilya veteran actress at dating ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio.
May pamagat ang pelikula na "Only We Know" na collaboration project ng Cornerstone Studios, Agosto Dos Pictures, at Star Cinema.
Batay sa video, hindi mag-ina ang dalawa kundi tila magkarelasyon, at tatalakay sa tinatawag na "May-December Affair."
Sey ng mga netizen, patutunayan daw ni Charo na "may asim" pa siya kay Dingdong sa pamamagitan ng pagpapakilig sa moviegoers.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Ayun naman. Ma'am Charo cougar era lezzgo!"
"Omg. Naging interesado ako!!!"
"Kabog Ma'am Charo! The Charo we didn't know we needed! "
"Grabe naman maka plot twist yung last line"
"Ganda siguro ng story nito para mapa OO si mam Charo."
"omygee. i dont know the plot yet, but kinikilig ako. i feel like this is going to be a good one."
Ito ang unang beses na magsasama sa pelikula sina Dingdong at Charo, sa direksyon ni Irene Villamor, at mapapanood sa mga sinehan sa Hunyo 11.