April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Grabe mag-rice!’ Ashley Ortega, ibinuking matatakaw sa Bahay Ni Kuya

‘Grabe mag-rice!’ Ashley Ortega, ibinuking matatakaw sa Bahay Ni Kuya
Photo Courtesy: Ashley Ortega, PBB (FB)

Nausisa si Kapuso Sparkle artist Ashley Ortega matapos siyang makalabas kung sino raw sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ang matatakaw.

Sa isang Instagram reels ng Sparkle GMA Artist Center noong Lunes, Marso 31, ibinuking ni Ashley na matatakaw daw lahat daw ng tao sa loob ng loob ng Bahay ni Kuya.

"Lahat ng tao do'n sa bahay ni Kuya, matakaw. Grabe mag-rice. In-expect ko lalo na sa mga babae na diet-diet kami do'n kasi nga 'di ba walang weekly budget?” lahad ni Ashley.

“Pero grabe,” pagpapatuloy niya, “alam mo itong si Josh [Ford] growing boy na growing boy. Si Josh, grabe si Josh sa rice saka toyo.”

Tsika at Intriga

Lagot sa MTRCB? Foreignoy contestant ng Eat Bulaga, nagmura

Dagdag pa niya, “Actually lahat kami nagra-rice do'n. Kaya na-appreciate ko talaga 'yonb little things na hindi talaga lahat ng gusto mo makukuha mo.”

Matatandaang si Ashley ang kauna-unahang evictee para sa edisyong ito ng PBB kasama ang ka-duo niyang si AC Bonifacio.

MAKI-BALITA: Ashley Ortega, AC Bonifacio na-evict na sa Bahay Ni Kuya