April 02, 2025

Home BALITA Eleksyon

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na
Photo Courtesy: Screenshots from Ogie Diaz Showbiz Updates (YT)

Tila hindi na nagsayang pa ng oras si “Star of All Seasons” Vilma Santos para sagutin ang banat ng katunggali niyang  si Jay Manalo Ilagan na katunggali niya sa pagkagobernador sa lalawigan ng Batangas.

 Sa latest episode ng “Ogie Diaz Showbiz Updates” noong Linggo, Marso 30, ikinuwento ni Ogie na “very Vilma Santos” daw ang naging tugon ng Star of All Seasons.

“Noong ini-interview ko si Ate Vi katabi niya do’n si Luis Manzano, na tumatakbo rin bilang Vice Governor ni Ate Vi. Parang ayaw nang pansinin ni Ate Vi,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Parang ‘basta kami, nagtatrabaho lang kami. Nandito lang kami. Kung anong mga isyu nila, kilala mo naman ako, Ogie. Sa almost 30 years namin sa politics wala naman kaming isyu ng corruption.’”

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

Matatandaang sa ginanap na campaign rally ng kampo ni Ilagan ay sinabi niyang hindi raw siya natatakot kay Vilma dahil laos na raw ito.

“Kung ang aking kalaban ay si Kathryn Bernardo, pero ang aking kalaban ay isang Vilma Santos lang na laos na, ha! Hindi ako takot!” sabi ni Ilagan.