April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Tinignan lang ako tapos humarurot!' Kristoffer Martin, inireklamo rider na nag-hit-and-run sa kaniya

'Tinignan lang ako tapos humarurot!' Kristoffer Martin, inireklamo rider na nag-hit-and-run sa kaniya
Photo courtesy: Screenshot from Kristoffer Martin (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang Facebook post ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin matapos niyang i-call out ang isang kilalang motorcycle ride-hailing service app, dahil sa isang rider nito na nag-hit-and-run sa kaniya.

Sa Facebook post ni Martin, Biyernes, Marso 28, sinabi niyang tinakbuhan siya ng rider matapos mabangga ang kaniyang kotse.

Nagawa naman niyang makuha ang plate number nito.

"Hello JoyRide Superapp! Nahit and run po ako ng rider niyo. Plate no. 394OML," aniya.

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

Photo courtesy: Screenshot from Kristoffer Martin (FB)

Sa comment section ng Facebook post ay ipinagpatuloy pa ni Martin ang pagbibigay ng updates.

"Tinignan lang ako tapos humarurot," aniya.

"Hi guys! Thank you sa concerns. Okay po ako. Sasakyan lang yung nadamage."

Sa panibagong update, sinabi ng aktor na na-trace na nila kung sino ang nagmamay-ari ng nabanggit na plate number.

"Okay na guys. Natrace na. Nasamin na din contact no."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag ang pamunuan ng ride-hailing service app tungkol sa isyung ito.