Tila na-challenge si Kapamilya star at “It’s Showtime” host Kim Chiu sa tanong ng kaniyang “My Love Will Make You Disappear” co-star na si Paulo Avelino.
Sa latest episode ng Rec•Create noong Linggo, Marso 30, sumalang sina Kim at Paulo sa Lie Detector Drinking Game.
Isa sa mga nabunot na tanong ni Paulo para kay Kim ay kung nakikita raw ba siya nito nang higit pa sa isang kaibigan.
“Hala, sobra naman! Ba’t ko naman sasabihin dito? Sa vlog ko na lang,” natatawang sagot ni Kim.
Kaya sabi ni Paulo, “Sige, kung ano na lang ‘yong nasa isip mong sagot. ‘Yong sa ‘yo na lang muna.”
Hindi nakuryente si Kim nang ilapag niya ang kaniyang kamay sa lie detector. Ibig sabihin, totoo ang nasa isip niya. Kung anoman ‘yon, hindi na ni-reveal pa sa vlog.
Pero kung yayayain naman daw ni Kim si Paulo ng date, papayag daw ang huli. At base sa lie detector, nagsasabi ng totoo ang kaniyang leading man.
Matatandaang nakitaan ng chemistry sina Paulo at Kim simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang.”
Nasundan pa ito ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” na isa ring serye sa ilalim ng Viu at ABS-CBN na pinroduce ng Dreamscape Entertainment.
MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’
MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?
At ngayon naman ay may sarili na silang pelikula, ang “My Love Will Make You Disappear.” Ayon sa latest update ng Star Cinema, umabot na raw sa ₱40 milyon ang kita!
MAKI-BALITA: Kita ng pelikula ng KimPau, umabot na sa ₱40M!