April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Hindi pa ako kinuha!’ Sen. Bong Revilla muntik madisgrasya sa helicopter crash, may misyon pa

‘Hindi pa ako kinuha!’ Sen. Bong Revilla muntik madisgrasya sa helicopter crash, may misyon pa
Photo courtesy: Ramon Bong Revilla Jr./Facebook

Nakaligtas si Senador Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa tiyak na kapahamakan habang sakay ng isang helicopter na nag-crash habang nasa himpapawid sa Cebu noong Biyernes, Marso 28.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP), upang magpasalamat sa pagkakaligtas niya ay nagpamisa ang senador kasama ang buong pamilya, sa bahay nila sa Bacoor, Cavite noong Linggo ng umaga, Marso 30.

Kuwento ni Sen. Bong, bagama't may karanasan na siya sa mga aircraft na nagkakaaberya sa himpapawid habang sakay siya, kakaiba naman ang nangyari sa kinalululang helicopter noong Biyernes dahil isang saranggola ang pumulupot sa tail motor ng chopper.

Mabuti na lamang daw at narinig ng piloto, at alertong nakapag-emergency landing.

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

Ligtas naman ang piloto, si Sen. Bong, at iba pang sakay ng helicopter.

Pakiramdam daw ng senador, himala ito ng mahal na Sto. Niño dahil may chapel daw ng Sto. Niño sa lugar kung saan sila nag-emergency landing.

“Siya 'yong unang-unang nakita ko doon habang bumababa 'yong chopper,” pahayag ng senador.

Naniniwala rin ang actor-politician na sa kaniyang palagay, may misyon pa siyang kailangang gawin sa mundong ibabaw kaya "hindi pa siya kinuha."

"Pakiramdam ko, meron pa tayong gagawin, may misyon pa siguro tayo. Kaya nagpapasalamat tayo sa Panginoon na binigyan pa tayo ng… hindi pa ako kinuha. It’s not yet my time,” aniya pa.