Ibinida kamakailan ng TV personality na si Awra Briguela ang pagdiriwang niya ng 21st birthday kasama ang mga kaibigan, sa isang yacht party.
Flinex ni Awra ang selebrasyon sa kaniyang social media platforms para sa kaniyang birthday noong Marso 26.
"marking my 21st birthday with elegance and grace," mababasa sa kaniyang caption.
Batay pa sa ibang posts ay makikita ang pag-awra ni Awra habang nakasuot ng red lace dress, at ang mga bisita naman niya ay nakaputi, kaya stand out talaga siya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Babaihan!"
"Shala naman sa yate pa!"
"Lezz gowwww"
"parang di bagay hahaha"
"Eh di wow na lang hahaha."
"Happy birthday pre"