April 03, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sigaw ng fans: AC dasurv ma-evict, Ashley nadamay kaya pabalikin sa PBB!

Sigaw ng fans: AC dasurv ma-evict, Ashley nadamay kaya pabalikin sa PBB!
Photo courtesy: Screenshot from Pinoy Big Brother ABS-CBN (FB)

Tuluyan nang nag-hello sa outside world ang magka-duo na sina Kapuso actress Ashley Ortega at Kapamilya dancer-actress na si AC Bonifacio sa Bahay Ni Kuya matapos nilang ma-evict pareho.

Sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” noong Sabado, Marso 29, silang dalawa nga ang natanggal, mula sa tatlong nominado kasama ang WILVER (Will Ashley at River Joseph) at RAMI (Ralph De Leon at Michael Sager).

Naging emosyunal naman ang dalawa dahil tiyak na mami-miss nila ang iba pang celebrity housemates. “I love them so much…and I will do what I can dito sa labas to protect them,” aniya.

Pahayag naman ni Ashley, “Salamat po sa lahat ng pumunta rito. Thank you, guys. Mami-miss ko 'yong mga housemates ko, lahat ng mga pinagdaanan namin sa loob. Lahat ng pinagdaanan ko it made me a better person.”

Tsika at Intriga

Pag-amin ni Klarisse De Guzman: 'I'm not straight, I am bi!'

MAKI-BALITA: Ashley Ortega, AC Bonifacio na-evict na sa Bahay Ni Kuya

Samantala, umani naman ng reaksiyon ang eviction na ito dahil parang marami pa ang nagnanais na manatili sa Bahay ni Kuya si Ashley, dahil feeling daw nila, mas makikilala pa nila nang malalim ang aktres.

Habang kay AC naman, tila kabaligtaran ang mga komento dahil tila hindi nagustuhan ng karamihan ang "pagpapakatotoo" niya sa loob ng Bahay ni Kuya, lalo na nang magsalaysay na siya tungkol sa iba pang engkuwentro sa ibang celebrity housemates noong hindi pa sila sumasali sa reality show, partikular kay Bianca De Vera na pumasok na rin sa PBB House.

Sa kabilang banda, marami rin ang nagsabing it's about time na lumabas ng bahay si Ashley para ayusin ang isyu niya sa nanay niya, na nagpadala ng sulat sa kaniya at sinabing pinapatawad na siya matapos ang kanilang hindi pagkakaunawaan nang mahabang panahon.

MAKI-BALITA: Ashley Ortega, napahagulgol sa natanggap na sulat

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens, na matatagpuan at mababasa mismo sa comment section ng posts sa official Facebook page ng PBB.

"DASURV AC!"

"Nadamay pa tuloy si Ashley, petition na pabalikin si AC!"

"Paki balik po si Ashley Ortega pls, sabi kasi dito "Madami pa siyang gustong patunayan, at madami pa siyang kakainin na bigas para ma acknowledge lahat ng mga ginagawa niya."

"Hindi deserve ni Ashley lumabas, sana may wild card at si Ashley ang ibalik! Nadamay lang sya sa ka-Duo nya, siniraan na nga nadamay pa! Sana yung AC lang ang natanggal! Goodluck sa mga basher mo sa labas!"

"SOBRANG NAKAKA PANG HINAYANG SAYANG YUNG TALINO AT PAGKAKATAON PARA KAY ASHLEY ORTEGA NAKAKA WALANG GANA MANOOD BAKIT KASE SA BUHAY MINSAN GAGAWA KA NALANG NG HINDI MABUTI SA KAPWA MERON AT MERON TALAGANG MADADAMAY"

"Sayang ni Ashley nababaitan ako sa knya hindi lang sa mukha pati ugali niya"

"bring back ashleyyyy!!!!! di nya deserve lumabas agad!!!!! ang unfair kaseeee! ALISIN NYO NA YANG DUO DUO NA YAN"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina AC at Ashley patungkol dito.