Tila panahon na raw para kay Kapuso actress Sanya Lopez na pumasok sa pakikipagrelasyon.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Marso 28, inusisa si Sanya kung ang 2025 ba ang tamang taon para maghanap ng boyfriend.
“Sa palagay ko, Tito Boy, time na. [...] Hindi na tayo pabata. Siguro may time din naman tayo para do’n. And I think it’s time,” saad ni Sanya.
Dagdag pa niya, “As long as hindi ko napapabayaan ‘yong trabaho ko. Nagagawa ko nang maayos lahat ng trabaho ko at hindi siya nagiging sagabal.”
Samantala, sa ginanap namang media conference ng pelikulang “Samahan ng mga Makasalanan” kamakailan, inamin umano ni Sanya na may Chinese businessman na raw siyang dine-date.
Aniya, “Non-showbiz siya. ‘Yon nga, I’m just enjoying, no pressure. Tapos, kung sabihin ko naman talaga, kung sino man ‘yong talagang ibigay sa akin ni Lord, siya na ‘yon.”
Matatandaang si Sanya ay NBSB o no boyfriend since birth.