Inamin ni Kapamilya star Paulo Avelino na matagal na raw siyang fan ng kaniyang “My Love Will Make You Disappear” co-star na si Kim Chiu.
Sa latest episode ng Rec•Create nitong Linggo, Marso 30, sumalang sina Kim at Paulo sa Lie Detector Drinking Game.
Isa sa mga nabunot na tanong ni Kim para kay Paulo ay kung fan daw ba ang co-star niya ng kaniyang mga proyekto bago pa man sila nagkatrabaho.
Sagot ni Paulo, “Yes.”
At base sa lie detector, nagsasabi ng totoo si Paulo na tila ikinagulat ni Kim.
“Noong bata pa lang ako, napapanood ko na siya sa PBB [Pinoy Big Brother],” dugtong pa ni Paulo.
Hirit naman ni Kim, “Ikaw din naman napanood naman kita sa StarStruck.”
Matatandaang nakitaan ng chemistry sina Paulo at Kim simula noong gumanap sila sa TV series na “Linlang”.
Nasundan pa ito ng “What’s Wrong With Secretary Kim?” na isa ring serye sa ilalim ng Viu at ABS-CBN na pinroduce ng Dreamscape Entertainment.
MAKI-BALITA: Kim Chiu, Paulo Avelino bibida sa ‘What’s Wrong With Secretary Kim’
MAKI-BALITA: Matapos ang ‘Linlang’: Paulo, Kim posibleng magkatuluyan?
At ngayon naman ay may sarili na silang pelikula, ang “My Love Will Make You Disappear.” Ayon sa latest update ng Star Cinema, umabot na raw sa ₱40 milyon ang kita!
MAKI-BALITA: Kita ng pelikula ng KimPau, umabot na sa ₱40M!