Nakapanayam ang ina ni Asia's Superstar at Kapamilya Star Kathryn Bernardo na si Min Bernardo patungkol sa pagiging umaagapay na ina sa tabi ng kaniyang anak.
Sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter MJ Felipe para sa Women's Month, sinabi ni Mommy Min na nagsakripisyo talaga siya sa kaniyang sariling career para lamang gabayan si Kathryn 24/7, noong nagsisimula pa lamang bilang extra, hanggang sa tuluyan na nga itong umalagwa at kilalaning isa sa mga pinakasikat na artista ng industriya, at box-office queen pa.
Super proud mommy talaga si Min dahil tila may kinapuntahan naman ang mga sakripisyo at pagsisipag niya bilang kaagapay ng anak.
Hindi raw naging madali ang mga pinagdaanan ni Kath, dahil nakatanggap din siya ng rejections noon at dumaan sa mga kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay.
"Ngayon si Kathryn, independent na siya... ang strong ng anak ko," giit ni Mommy Min.
Kung lovelife naman daw ng anak ang pag-uusapan, hindi raw nanghihimasok ang ina. Hinahayaan lamang daw kung sino ang mamahalin ng anak.
"Hinahayaan ko lang siya, pero nariyan pa rin ako sa side na bulong-bulong, 'Hindi tama 'yan,' 'Hindi okay 'yan,' mga gano'n ba," aniya.
Nang matanong naman kung may nanliligaw ba kay Kathryn at marami, nakangiting napatango na lamang si Mommy Min at napatawa.
"Siyempre naman, ang pangit ba naman ng anak ko kung walang manliligaw," sey niya, at isa pa, single naman daw ang anak.
Matatandaang bukod sa nakatambal na Kapuso star at Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa pelikulang "Hello, Love, Again," nali-link din si Kathryn kay Lucena City Mayor Mark Alcala.
Kamakailan lamang ay naisyu pa nga ang uman'y pag-unfollow raw ni Mommy Min sa Instagram account ng alkalde sa hindi pa malamang dahilan.
MAKI-BALITA: Madir ni Kathryn Bernardo, inunfollow si Lucena City Mayor Mark Alcala?