April 01, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mayor Honey Lacuna kay Isko Moreno: 'Nababayaran pala ang utang na loob?'

Mayor Honey Lacuna kay Isko Moreno: 'Nababayaran pala ang utang na loob?'
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Talks (YT)

Tila mahirap para sa kalooban ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang makalaban ngayong 2025 National and Local Elections (NLE)  ang dating mayor ng lungsod na si Isko Moreno.

Sa latest episode ng “Toni Talks” nitong Linggo, Marso 30, inungkat ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang panayam niya noon kay Moreno kung saan binanggit nito ang magagandang salita para sa tatay ni Lacuna na si former Vice Mayor Danny Lacuna.

“‘Yong mga anak niya [Moreno], inaanak ko. So, intertwined kami talaga. We consider him a family member,” saad ni Lacuna.

“For the longest time,” pagpapatuloy ni Mayora, “he always says this—not only to me, not only to my family but do’n sa mga tao na very close to us—na hindi mangyayari na maglalaban kami. Hinding-hindi.”

Eleksyon

Mocha Uson, ibinida bakit ang sarap-sarap ng cookie niya

Dagdag pa niya, “But as it is, hindi pala. And ngayon, parang ang nangyari is bayad na raw siya sa utang na loob. Nababayaran pala ang utang na loob?”

Matatandaang noong 2019 nang tumakbo sina Moreno at Lacuna bilang running mates sa pagka-mayor at vice mayor ng Maynila, ayon sa pagkakabanggit, kung saan pareho silang nanalo. 

Taong 2022 naman nang tumakbo bilang pangulo ng bansa si Moreno at pinili niya si Lacuna bilang kaniyang successor sa pagiging alkalde ng lungsod.