Proud ang Kapuso TV host ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" na si Mavy Legaspi sa kaniyang jowang si Kapuso actress Ashley Ortega, na nagtapos na ang journey bilang housemate sa loob ng Bahay ni Kuya matapos ma-evict kasama ng kaniyang ka-duo na si Kapamilya dancer-actress AC Bonifacio.
Sa First Eviction Night, sina AC at Ashley nga ang unang duo na lumabas mula sa PBB House matapos iligtas ng taumbayan sina Ralph De Leon at Michael Sager gayundin sina Will Ashley at River Joseph.
Bilang host ay kasamang sumalubong si Mavy sa pagbabalik-outside world ni Ashley, na emosyunal sa kaniyang paglabas.
Sa Instagram story naman ni Mavy, makikita ang larawan nila ni Ashley habang buhat niya ito, na marahil ay kuha sa isa sa mga travel nila.
Masaya raw si Mavy sa PBB experience ni Ashley dahil mas nakilala pa ng mga tao ang kaniyang GF.
"i am so happy the people got to know you better... and they love you!" mababasa sa text caption ni Mavy.
"welcome back to the outside world honey bunny!"

"a girl like you? so lovable," aniya pa.