Umani ng samu't saring reaksiyon ang pa-throwback post ng batikang aktor na si Gardo Versoza na nagpapakita sa mga larawan nila noon at ngayon ng dating child actor na si Zaijan Jaranilla, na makikita sa kaniyang Instagram post.
Si Zaijan, ay sumikat nang husto bilang child star nang gampanan niya ang role bilang "Santino" sa teleseryeng "May Bukas Pa" kung saan sumikat din ang pagtawag ng "Bro" kay Hesukristo, noong 2009.
Si Gardo ay minsan ding naging bahagi ng nabanggit na serye. Matapos ang ilang taon ay muli raw silang nagkita ni Santino subalit malaki na ito.
"then and now santino in may bukas pa 2009 ,, reunited with cupcake 2025 ," caption ni Gardo.
Makikita sa unang larawan na karga ni Gardo ang batang Santino habang nasa loob ng isang simbahan, sa kanilang taping.
Sa pangalawang larawan naman, makikitang karga pa rin niya si Santino pero malaki na ito. Makikita sa background ang magandang tanawin ng mga bundok.
Bukod sa napansin ng mga netizen na binata na talaga si Zaijan, pinansin din ng mga netizen na tila hindi raw nagbago ang looks ni Gardo, at nananatiling "Machete" pa rin sa kakisigan.
"Hindi ka po tumanda miss the little Santino na mala machete na din ngayon "
"Grabe! Those were the days."
"binata na si Santino"
"Parang same age pa din po kau sa dati not aging at all,si Santino ang taas na"
"So cuteeee!!!"
Kamakailan lamang, natsika pa ni Ogie Diaz na may namamagitang relasyon daw sina Zaijan at ang TV host-dancer na si Gela Atayde, na anak ni Sylvia Sanchez at kapatid nina Arjo at Ria Atayde.
KAUGNAY NA BALITA: Zaijan Jaranilla, Gela Atayde mag-jowa na raw?