Flinex ni Parokya ni Edgar band lead vocalist Chito Miranda ang bago at renovated resthouse nila ng misis na si Neri Naig-Miranda, na talaga namang nakaka-wow ang ambiance at saktong-sakto ngayong summer season!
"Welcome to the new and improved @mirandasresthouse ," mababasa sa caption ng post ni Chito.
"Ngayon, meron na syang Neri's Secret Garden sa likod.," aniya pa.
Kung titingnan isa-isa ang mga larawan, talagang fully-furnished ang resthouse at masasabing aabot sa milyong piso ang ginastos dito para mapa-renovate.
Mukhang pinaparentahan din ito dahil nang may magtanong kung how much ang rent, sumagot si Chito na i-DM o direct message lamang siya.
Isa nga sa mga napakomento rito ay ang Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto.
"Pa stay naman hehe congratulations," aniya.
Mukhang tuloy-tuloy na talaga ang new beginnings kina Chito at Neri matapos masangkot ang huli sa isang investment scam, na kalaunan, ay naabswelto naman siya.