April 01, 2025

Home BALITA National

Sen. Bato, nag-’post birthday visit’ sa bahay ni FPRRD sa Davao

Sen. Bato, nag-’post birthday visit’ sa bahay ni FPRRD sa Davao
(Courtesy: Sen. Bato dela Rosa/FB)

“Seriously, is this the residence of the forever Mayor and former President whom they accused of pocketing millions?”

Ito ang tanong ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa nang bisitahin niya ang tahanan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City matapos ang ika-80 kaarawan nito. 

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Marso 29, nagbahagi si Dela Rosa ng ilang larawan habang nasa harap ng tahanan ni Duterte sa Davao at katabi ang standee nito.

“Post birthday visit to the home of the old man where I used to report during unholy hours whenever the City is under threat,” ani Dela Rosa sa kaniyang post. 

National

Gloria Arroyo, inilahad pinagdadanan ng kaniyang pamilya: ‘Please pray for my family’

“Seriously, is this the residence of the forever Mayor and former President whom they accused of pocketing millions? Wa mo kuyapi???!!!” saad pa niya.

Matatandaang nakaraang taon nang maghain si dating Senador Antonio Trillanes ng ilang mga graft and plunder charges laban kay Duterte, kung saan isa na rito ay dahil sa umano’y paggamit nito sa kaniyang posisyon bilang mayor ng Davao at maging kalauna’y bilang pangulo ng bansa upang mag-award ng public works contracts na nagkakahalaga ng ₱6.6 billion sa “unqualified” companies na pagmamay-ari ng pamilya ni Senador Bong Go.

Samantala, nitong Biyernes, Marso 29, nang magdiwang ng ika-80 kaarawan si Duterte habang nakadetine sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD