April 01, 2025

Home BALITA Eleksyon

Pangilinan, nagpasalamat sa ‘tiwala at suporta’ nina SP Chiz, Sorsogon Gov. Hamor

Pangilinan, nagpasalamat sa ‘tiwala at suporta’ nina SP Chiz, Sorsogon Gov. Hamor
(Courtesy: Dating Senador Kiko Pangilinan/X)

Nagpaabot ng pasasalamat si senatorial candidate Kiko Pangilinan sa tiwala at suporta sa kaniya nina Senate President Chiz Escudero at Sorsogon Governor Boboy Hamor.

Sa isang X post nitong Sabado, Marso 29, nagbahagi si Pangilinan ng ilang mga larawan kasama sina Escudero at Hamor nang bumisita siya sa Sorsogon.

“Dios mabalos kina Senate President Chiz Escudero at Gov. Boboy Hamor sa inyong tiwala at suporta!” ani Pangilinan sa kaniyang post.

Sinabi rin ng dating senador na patuloy raw silang magtutulungan nina Escudero at Hamor para sa “tapat na pamamahala” para sa mga Sorsoganon at buong Pilipinas.

Eleksyon

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na

“Patuloy tayong magtutulungan para sa tapat at totoong pamamahala—mas abot-kayang pagkain, mas malaking suporta para sa ating mga magsasaka at mangingisda, at mas maunlad na turismo at lokal na negosyo para sa mga Sorsoganon at sa buong bansa!” saad ni Pangilinan.

Kasalukuyang kumakandidato si Pangilinan upang magkaroon muli ng puwesto sa Senado sa darating na 2025 midterm elections na isasagawa sa Mayo 12.