April 01, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal kay Gerald Sibayan, maling desisyon —Ai Ai Delas Alas

Pagpapakasal kay Gerald Sibayan, maling desisyon —Ai Ai Delas Alas
Photo Courtesy: Screenshot from BB Gandanghari (YT), Ai Ai Delas Alas (IG)

Inamin ni Comedy Queen na isang maling desisyon daw ang pagpapakasal niya sa estranged husband niyang si Gerald Sibayan.

Sa latest episode ng vlog ni BB Gandanghari noong Huwebes, Marso 27, inusisa si Ai Ai kung ano raw ang  misconception sa kaniya ng maraming tao.

Ayon kay Ai Ai, kilala raw siya ng marami bilang mabuting ina ngunit tanga sa pag-ibig, na pinabulaanan naman niya.

“Hindi ako tanga. Nagkataon lang na napupunta ako sa hindi tamang tao para sa akin. Kasi kung tanga ako, hindi kami aabot ng ten years,” saad niya.

Relasyon at Hiwalayan

Paulo kay Kim: 'Have you ever seen me as more than a friend?'

Dagdag pa ng Comedy Queen, “Nagkataon lang siguro na hanggang do’n lang and mayr’on pala siyang ibang agenda, o mayr’on pala siyang iba na nagustuhan, o may iba pala siyang gusto sa akin.”

Kaya para sa kaniya, mali raw na nagpakasal pa siya kay Gerald simula’t sapul.

“Kumbaga, una, pinanindigan ko na lang, and parang gusto kong ipakita sa buong mundo na age doesn’t matter But it matters."

Matatandaang kinumpirma ni Ai Ai sa mismong kaarawan niya noong Nobyembre 11 ang hiwalayan nila ni Gerald matapos ang mahigit isang dekada nilang pagsasama.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan