April 01, 2025

Home SPORTS

Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala

Manny Pacquiao, proud na proud kay Alex Eala
Photo courtesy: Manny Pacquiao (FB)/Alex Eala (via MB)

Nagbigay ng mensahe ang re-electionist sa pagkasenador at "Pambansang Kamao" na si Manny Pacquiao para sa Pinay tennis player na si Alex Eala na pumasok at nakipagtagisan sa semi-finals ng Miami Opens.

Bago umarangkada sa semi-finals ng torneo, nauna na ring idomina ni Eala ang panalo laban sa ilan pang world champions na sina Jelena Ostapenko na dating French Open Champion at world No. 25 at reigning Australian champion at world No. 5 na si Madison Keys.

Bagama’t hindi pinalad sa semi-finals nitong Biyernes, Marso 28, nakamit ni Eala ang puwesto ng World No. 75 mula sa kaniyang dating ranggo na World No. 140. Nanalo siya ng mahigit $332,160 o ₱19 milyon matapos ang tournament.

"You may not have made the finals, but you won the hearts of the world, Alex Eala! The whole nation is proud," anang Pacquiao sa kaniyang Facebook post

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

"This is just the beginning. Keep fighting and inspiring. You’ve shown the heart of a true champion. Laban lang! The future is bright for you. Proud na proud kami sa’yo! #PinoyPride."

Nagbigay na rin ng pagbati para sa kaniya sina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at House Speaker Martin Romualdez.