Ilang netizen daw ang nakapansing tila hindi na naka-follow sa Instagram account ni Lucena City Mayor Mark Alcala si Min Bernardo, mommy ni Outstanding Asian Star at Kapamilya Star Kathryn Bernardo.
Napaulat ng entertainment site na "Fashion Pulis" na nag-follow umano si Mommy Min kay Mayor Mark, pero ngayon ay naka-unfollow na.
Nangyari umano ang pag-unfollow matapos ma-link ang anak sa mayor na "rumored boyfriend" na raw ng aktres, bagay na wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa.
Matatandaang na-link si Kathryn sa poging mayor ng Lucena City kamakailan.
Sapantaha tuloy ng mga netizen, baka kaya nag-unfollow daw ang madir ni Kathryn ay para maiwasan na ang pang-iintriga at pagli-link ng mga marites sa kaniyang anak at sa mayor.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"di kinaya ang backlash hahahaha Lalo tuloy obvious"
"Na resibuhan agad grbe kayo haha"
"Bagay naman si Kathryn and Mayor Alcala, They are both single, same age din naman sila. Both mayaman. Malay niyo mabait naman si Mayor. at isa lalaking lalaking tingnan yan. If siya ang happiness ni Kath, let her be happy with him. I follow na ulit tita Min, ok lang yan."
"Ok lang naman si Mayor. I watched his interview with Boy Abunda. He's smart & sensible guy! Obviously, yung mga bashers nila ay mga kilig & delulu fans ng LT. Gusto nila mga idols nila ang makatuluyan ni Kathryn! "
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mommy Min kung talaga bang nag-follow siya sa IG account ni Mayor Mark at inunfollow agad ito, o hindi talaga siya naka-follow sa kaniya eversince.