Pinagbihis na tuloy ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kaniyang asawang si Ion Perez matapos i-flex ang kaniyang magandang pangangatawan at litaw-litaw pa ang nagngangalit na abs.
Sa kaniyang Instagram post, ibinida ng mister ng It's Showtime host ang kaniyang hubad-baro at makisig na katawan na bunga ng kaniyang pagbabatak sa gym.
"+pain," tanging caption dito ni Ion.
Kagulo naman ang mga netizen na tila nabuhayan ng mga dugo sa magandang katawan a pa-pandesal ni Ion.
"Sarap hahaha"
"Suwerte ni Meme hahaha"
"Ito talaga ang dapat nasa Bench Body of Works hahaha"
"kahit sino uuwi ng maaga sa ganito eh"
"MINE"
"Yummy ion"
Samantala, wala nang nagawa ang mga naglalaway kay Ion nang umentrada na ang komento ng misis.
"Magbihis ka na babe may natira ka pa namang damit dyan. Di ko naman binenta lahat," anang Vice Ganda.
Tugon naman ni Ion, "@praybeytbenjamin may hindi nasama babe swerte pa akong konti."
At kinilig naman ang fans at supporters dahil tila may mapapauwi na raw nang maaga.
"SOBRANG CUTE NIYO NAMANN!"
"Uyy kinikiling nanaman ako tama na viceion bakit mo Kasi bininta Yung iba meme ng walang paalam hahaha joks piro salamat dahil may ayude nanaman kayo"
"pinapauwe kana nyan ma HAHAHAHAHAHHA"
"Very hot ang summer ni MemeVice...uwi ka na daw po di makita ni Ion Ang t Shirt nya,,, na benta na yata"
"Si Meme naman ang pain reliever hahaha."