March 31, 2025

Home BALITA National

Easterlies, patuloy ang pag-iral sa PH – PAGASA

Easterlies, patuloy ang pag-iral sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang pag-iral ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, sa bansa ngayong Sabado, Marso 29, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, bukod sa maalinsangang panahon ay inaasahan ding magdadala ang easterlies ng minsang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Eastern Visayas.

Malaki naman ang tsansang magdadala ang northeasterly windflow, o ang hanging galing sa hilagang-silangan, ng maulap na kalangitan na may kasamang mga pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.

Pinag-iingat ang mga residente sa mga nasabing lugar sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

National

Gloria Arroyo, inilahad pinagdadanan ng kaniyang pamilya: ‘Please pray for my family’

Samantala, medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms naman ang inaasahang mararanasan sa mga natitirang bahagi ng bansa dulot pa rin ng easterlies. 

Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).