Patay ang isang negosyanteng babae sa Taguig matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang suspek.
Ayon sa mga ulat, pauwi na sana ang biktima na galing sa barangay hall matapos ipa-blotter ang umano'y death threat na kanyang natatanggap sa mga nakaraang araw.
Lumalabas sa imbestigasyon na dalawang beses na raw nakatanggap ng death threat ang biktima mula sa dalawang lalaki na patuloy umanong tumatawag at nagte-text sa kaniya.
Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, partikular na CCTV ng lugar kung saan posibleng nahagip ang hitsura ng tumakas na suspek.