Lumabas na umano ang resulta ng apela ni Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa green card petition niya para estranged husband niyang si Gerald Sibayan.
Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, Marso 29, kinatigan daw ng U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) ang apela ni Ai-Ai na bawiin ang kaniyang Petition for Alien Relative para sa dating mister.
“After a thorough review of your petition and the record of evidence, we must inform you that the approval of your petition has been automatically revoked,” saad sa desisyon ng USCIS noong Mayo 17.
Isa umano sa inilatag na dahilan ni Ai Ai para bawiin ang petisyon niyang maging permanent resident ng Amerika si Gerald ay ang pagkakaroon nito ng third party.
Matatandaang Enero nang unang magpahaging si Ai Ai tungkol kay cheater na ang mistress umano ay Pilipinas.
Nang sumunod namang buwan, Pebrero, nagbigay ulit siya ng update tungkol kay na bumili umano ng ring sa babae.
MAKI-BALITA: May nabalitaan kay 'Cheater,' pasabog ni Ai Ai: 'Take note si mistress ay Pilipina!'
MAKI-BALITA: Ai Ai may update kay 'Cheater,' bumili ng ring para sa bagong babae?