Tila kine-claim na ni “Eat Bulaga” host Vic Sotto na magiging pangulo ang anak niyang si reelectionist Pasig City Mayor Vico Sotto.
Sa ikinasang campaign rally ng “Giting ng Pasig” nitong Biyernes, Marso 28, ipinakilala ni Vic ang anak niya bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.
Aniya, “Mabuhay kayo, mga Pasigueño. I’m very proud of you. Ito na po, ipapakilala ko na po. Alam n’yo naman siguro kung kanino nagmana. Kanino pa? E ‘di sa nanay [Connie Reyes].”
“Ito na po, ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto,” dugtong pa ni Vic.
Matatandaang marami ang naghahangad na tumakbo sa pinakamataas ng posisyon ng bansa si Mayor Vico. Isa na rito si showbiz insider Ogie Diaz na nag-manifest agad para sa taong 2034.
MAKI-BALITA: Ogie nag-manifest kay Mayor Vico sa 2034: 'My future president!'
Sa kasalukuyan, hindi pa kwalipikado si Mayor Vico sa naturang posisyon dahil sa edad niyang 35.
Ayon sa Konstitusyon, isa umano sa mga kwalipikasyon sa pagkapangulo ay hindi dapat bababa sa 40 ang edad ng kakandidato.