March 31, 2025

Home BALITA National

Usec. Castro, kinantahan ng ‘happy birthday’ si FPRRD: ‘We wish him 'good health, good fortune’

Usec. Castro, kinantahan ng ‘happy birthday’ si FPRRD: ‘We wish him 'good health, good fortune’
PCO Usec. Claire Castro at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (Photo: PCO/FB screengrab; file photo)

Kinantahan ni Presidential Communications Office (PCO) si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng “happy birthday” sa isang press briefing nitong Biyernes, Marso 28, at ipinaabot niya ang kaniyang birthday wish na “good health at good fortune” sa dating pangulo dahil kailangan daw niya ito.

“Katulad po ng sinabi natin noong nakaraan, dapat batiin ng ‘Happy Birthday’ ang dating Pangulong Duterte at kung maaari nga po natin kantahan lahat ng Happy Birthday ang pangulo,” ani Castro.

Matapos ang naturang pahayag, natatawang bahagyang itinaas ni Castro ang kaniyang dalawang kamay na tila hinihintay na makikanta ang Palace reporters ng “happy birthday” para kay Duterte.

“Maiksi lang,” saad ng PCO Usec. sabay kumanta ng happy birthday.

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

“And of course we wish more years to come. We also wish good health, good fortune, kailangan po niya ‘yan,” ani Castro matapos kumanta.

Nitong Biyernes, Marso 28, ipinagdiriwang ng dating pangulo ang kaniyang 80th birthday. 

Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands matapos arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” dahil sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD