Nagbigay ng pahayag si “Tawag ng Tanghalan” contestant Marco Adobas matapos niyang paratangang luto umano ang laban sa naturang kompetisyon.
Sa comment section ng profile picture ni Marco na in-update niya noong Huwebes, Marso 27, humingi siya ng kapatawaran sa nangyari.
“Sa mga wala pong alam sa nangyari. May pag uusap na po sa pagitan ng management ng showtime. At ako po ay humingi ng kapatawaran sa aking nagawa at okay na po ang lahat,” saad ni Marco.
Dagdag pa niya, “Ako po ay nadala ng bugso ng aking emosyon. Kaya sana po ay maunawaan niyo na.”
Bukod dito, sinabi rin ni Marco na hindi raw siya kakasuhan ngunit bilang parusa sa ginawa niya ay sinipa na siya sa TNT.
Matatandaang nauna nang inanunsiyo ng “It’s Showtime” na dinisqualify na si Marco dahil sa ginawa nito. Pinalitan naman siya ng isa pang contestant na si Arvery Lagoring.
MAKI-BALITA: It's Showtime niligwak isang kalahok sa TNT, posibleng makasuhan?