March 31, 2025

Home BALITA Probinsya

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!

Tinderang tumaga sa aspin na nagnakaw umano ng karne, timbog!
photo courtesy: Barangay Baraca-Camachile Subic, Zambales/FB

Hawak na ng awtoridad ang tindera na tumaga sa aspin na si "Tiger," na nagnakaw umano ng karne sa meat stall kung saan siya nagtatrabaho.

Noong Miyerkules, Marso 26, kumalat ang isang video kung saan makikitang duguan at kita na ang lamang loob ni "Tiger" pagkatapos tagain umano ng isang tindera sa Subic Market. Nakalakad pa ang aso ngunit kalauna'y binawian na ito ng buhay.

Ayon sa mga ulat, isang stray dog si Tiger na nagnakaw umano ng karne sa meat stall kung saan nagtatrabaho ang tindera. 

Kinondena naman ng Animal Kingdom Foundation at Philippine Animal Welfare Society ang brutal na nangyari kay Tiger. 

Probinsya

Hinihinalang adik, umatake sa ilang bahay sa Cebu; maglola patay, 3 sugatan

Samantala, ayon sa update ng Barangay Baraca-Camachile, Subic, Zambales, nasa kustodiya na ng Subic Police Station ang tindera.