March 31, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee, nakikita na lang si PBBM sa 'public events'

Sen. Imee, nakikita na lang si PBBM sa 'public events'
Sen. Imee Marcos at Pres. Bongbong Marcos (Photo: Senate/YouTube screengrab; file photo)

Ibinahagi ni Senador Imee Marcos na nakikita na lamang niya ang kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pampublikong kaganapan at hindi na niya ito masyadong nakakausap dahil, pag-uulit niya, “maraming humaharang.”

Sinabi ito ni Sen. Imee sa isinagawang press conference nitong Huwebes, Marso 27, matapos ang kaniyang pagkalas sa senatorial slate ni PBBM na Alyansa para sa Bagong Pilipinas.

"Matagal na kaming hindi masyado nag-uusap. Maraming humaharang. Matagal na. Nakikita ko lang kapag public events at saka mabilis lang 'yun, maraming tao ganoon," saad ng senadora.

Matatandaang noong Sabado, Marso 22, nang unang ilahad ni Sen. Imee na matagal na niyang hindi nakakausap ang kaniyang kapatid dahil “maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang.”

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

MAKI-BALITA: Sen. Imee, 'di na nakakausap si PBBM: 'Maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang'

Nito namang Miyerkules, Marso 26, nang umalis partido si Sen. Imee dahil sa hindi raw tugma rito ang prinsipyo niya hinggil kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

Bago ang naturang pagkalas ng senadora sa Alyansa, noong Marso 21 nang hindi banggitin ni PBBM ang pangalan ni Sen. Imee sa campaign rally sa Cavite, isang araw matapos nitong pangunahan ang pag-imbestiga ng Senado sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong  Marso 20. 

MAKI-BALITA: PBBM, 'di binanggit pangalan ni Sen. Imee sa campaign rally ng Alyansa

MAKI-BALITA: Sen. Imee, tinawag na ‘pang-aalipin’ ang ‘hustisyang ipinapataw ng dayuhan’