April 02, 2025

Home BALITA National

Rep. Pulong Duterte, may mensahe sa mga Davaoeño at tagasuporta ng ama

Rep. Pulong Duterte, may mensahe sa mga Davaoeño at tagasuporta ng ama
Photo courtesy: Screenshot from Davao City First Congressional District Office (FB)/ICC

Pinasalamatan ni Davao City First Congressional District Rep. Paolo "Pulong" Duterte ang mga Davaoeño at iba pang mga tagasuporta ni dating Davao City Mayor at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na patuloy na nagpapakita ng walang maliw na suporta para sa kaniyang ama.

Mapapanood ang video message ni Rep. Pulong na ibinahagi ng Davao City First Congressional District Office.

"Sa mga kababayan ko sa Pilipinas at sa buong mundo... maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa aming tatay na si Presidente Rody Duterte," aniya.

"Maraming salamat din po sa pagsuporta ninyo sa pamilya namin, alam natin na si Presidente Rody ay nasa mahirap na kalagayan dahil sa kaniyang edad, isa lang po ang hinihiling naming pamilya, ang patuloy ninyong pagdasal para sa kaniyang kalusugan. Maraming salamat po at tuloy po ang laban!" aniya pa.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

Matatandaang kamakailan lamang ay napabalita ang pag-apruba ni House Speaker Martin Romualdez sa travel clearance na isinumite ni Rep. Pulong para sa kaniyang paglalakbay sa 17 bansa, kabilang na ang pagtungo niya sa The Hague, Netherlands.

MAKI-BALITA: ‘Kasama ang Netherlands!’ Rep. Pulong Duterte, balak ikutin 17 bansa loob ng 2 buwan