April 03, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

It's Showtime niligwak isang kalahok sa TNT, posibleng makasuhan?

It's Showtime niligwak isang kalahok sa TNT, posibleng makasuhan?
Photo courtesy: It's Showtime (FB)

Pormal at opisyal na inanunsyo ng noontime show na "It's Showtime" ang pagkaka-disqualify ng isang kalahok ng Tawag ng Tanghalan (TNT) All-Star Grand Resbak 2025 dahil umano sa paglabag sa pinirmahang agreement.

Mababasa sa Facebook post ng noontime show ang opisyal at pormal na pagtanggal nila kay Marco Adobas ng Pangkat Alon.

"Ang mga kalahok sa #TawagNgTanghalan ay may pinirmahang kasunduan bago magsimula ang kumpetisyon. Sa hindi inaasahang pangyayari, si Marco Adobas ng #PangkatAlon ay may nilabag na alituntunin na nakasaad sa kanyang pinirmahang kasunduan. Dahilan para sa siya ay ma-disqualify, at hindi na magpatuloy sa kumpetisyon," mababasa sa post.

"At dahil sa mga mabigat na paratang na inilahatla niya sa kanyang social media patungkol sa kumpetisyon at sa programa, ay may posibilidad na masampahan siya ng kaso."

Tsika at Intriga

Pag-amin ni Klarisse De Guzman: 'I'm not straight, I am bi!'

Dahil dito, pinalitan siya ng isa pang contestant na si Arvery Lagoring.

"Dahil din sa pangyayaring ito ay napagdesisyunan ng programa na siya ay palitan upang manatiling kumpleto ang bilang ng mga miyembro ng pangkat na kanyang kinabibilangan. At ang piniling kapalit ay manggagaling sa natibag na pangkat, ang #PangkatAmihan at yun ay walang iba kundi si Arvery Lagoring."

Samantala, inulit naman ng hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Vice Ganda ang nabanggit na anunsyo sa mismong show.

Ayon naman sa mga netizen, nag-ugat daw ito sa malisyosong posts ni Marco tungkol sa "cooking show."

Photo courtesy' Marco Adobas (FB)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pormal na pahayag ang kampo ni Marco Adobas tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.