March 31, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Delikado mga pogi? Migs Bustos dumulog sa NBI, ginamit mukha sa 'love scam'

Delikado mga pogi? Migs Bustos dumulog sa NBI, ginamit mukha sa 'love scam'
Photo courtesy: Migs Bustos (FB)

Nagsadya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang ABS-CBN sports news presenter-host na si Migs Bustos para ireklamo ang paggamit sa kaniyang mukha para sa tinatawag na "love scam."

Ayon kay Migs, may mga nakapagsabi sa kaniyang ginagamit ang kaniyang mukha para sa deepfake photos at videos para makakulimbat ng malaking halaga ng pera sa biktima, matapos mapa-in love.

"Meron daw pong naloko ng $200,000 allegedly tapos ginamit niya po ‘yong mukha ko, ‘yong likeness ko, photoshopped photos, videos, may mga AI-generated videos pa," pahayag ni Migs sa ulat ng ABS-CBN News.

Pahayag naman ni NBI Director Jaime Santiago, sadyang ginagamit ang mga larawan ng mga kilalang personalidad para magamit sa mga ganitong klaseng scam.

Tsika at Intriga

Maymay nawindang sa 'pabukol' ni Enchong?

Samantala, umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Delikado pala talaga kapag pogi hahaha."

"Naging disadvantage pa ang pagiging gwapo"

"Ang hirap talaga maging gwapo."

"Ang dami kasi uto-uto at tanga ngayon ang daling maniwal sa mga post . Wag maging tanga."

"Pogi ni kuya kya pla ginamit picture nia.. buti mga panget safe kya ayan mga bitter sa comsec "

"Hayan dapat masampolan yang mga yan..."