April 03, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Archie Alemania, na-indict sa reklamong acts of lasciviousness ni Rita Daniela

Archie Alemania, na-indict sa reklamong acts of lasciviousness ni Rita Daniela
Photo courtesy: Rita Daniela (FB)/Archie Alemania (FB)

Gugulong na sa korte ang reklamong acts of lasciviousness ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela laban sa aktor na si Archie Alemania, sa kumpirmasyon ng legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Ayon sa mga naglabasang ulat, inirekomenda ng Office of the City Prosecutor ng Bacoor, Cavite ang pag-akyat ng reklamo sa korte.

Batay sa resolusyon, isinulong ng prosecutor's office ang pagsasampa ng kaso kay Archie dahil daw sa mga ebidensya at testimonya ng mga saksi.

Matatandaang lumutang ang pagsasampa ng reklamo ni Rita laban kay Archie noong Oktubre 2024. Naganap umano ang akto sa party na idinaos na Kapuso star Bea Alonzo dahil sa tagumpay ng kanilang teleseryeng "Widow's War."

Tsika at Intriga

Pag-amin ni Klarisse De Guzman: 'I'm not straight, I am bi!'

MAKI-BALITA: Rita Daniela, sinampahan ng kasong ‘acts of lasciviousness’ si Archie Alemania

MAKI-BALITA: Archie hindi raw hinipuan si Rita, ikinakasa na ang resbak

Naghain naman ng counter-affidavit si Archie laban sa reklamo sa kaniya ni Rita.

MAKI-BALITA: Resbak: Archie Alemania, naghain ng counter-affidavit laban kay Rita Daniela

MAKI-BALITA: Misis ni Archie Alemania, may cryptic post tungkol sa 'truth'

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Archie tungkol dito.