March 29, 2025

Home BALITA National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara
Photo courtesy: Screenshot from PCO (FB)/MB File Photo/Maharlika (TikTok)

Nakatikim ng maaanghang na salita si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro mula sa social media personality na si Claire Contreras o mas kilala sa tawag na "Maharlika" matapos sabihin ng una na mas inuuna pa ni Vice President Sara Duterte ang magpunta sa abroad, na salag naman sa sinabi ng Pangalawang Pangulo na "road to dumpster" na ang Pilipinas.

Sa isinagawang press briefing nitong Miyerkules, Marso 26, 2025, pinuna ni Castro ang pananatili umano ni VP Sara sa The Hague, Netherlands, ang lugar na matatagpuan ang International Criminal Court o ICC, kung saan naroon naman si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong "crimes against humanity."

“Siguro sinasabi n’ya ‘yan na road to perdition na tayo, bakit? Dahil hindi naman niya nakikita kung ano ang mga ginagawa, proyekto, programa na naisagawa na at naitulong na ng pamahalaan sa taumbayan. Dahil malamang hindi siya nanonood ng ating press briefing everyday,” saad ni Castro.

“Hindi ba mas magiging…mapupunta tayo sa dumpster kung ang magiging Pangulo natin o ang magiging leader natin ay ang mga katulad nina VP Sara? Mas inuuna pang magpunta sa abroad. Magsilbi sa isang tao, although tatay n’ya po yun. Pero marami pa rin pong Pilipino na umaasa sa kaniya bilang Bise Presidente. Mahihirapan po tayong magkaroon ng Pangulo kung lagi pong nasa abroad, hindi po ginagawa ang trabaho dito sa Pilipinas," aniya pa.

National

VP Sara, pinasalamatan mga nakiisa sa kaarawan ni FPRRD

KAUGNAY NA BALITA: Usec. Castro, tinalakan si VP Sara: 'Mas inuuna pang pumunta sa abroad!'

Sa isang panayam naman, sinabi ni VP Sara na kahit nasa ibang bansa siya ay ginagampanan pa rin niya ang mga trabaho niya bilang Bise Presidente.

“Pero as Vice President, may duty din ako sa isang kababayan natin, isang Filipino citizen who is held against his will dito sa ICC detention center,” ani VP Sara.

“So huwag nating isipin na tatay ko siya. Isipin na lang natin na Vice President ako at gumagawa ako ng paraan kung paano maibalik natin ang isang Filipino citizen sa ating bayan,” dagdag pa niya.

“Multitasking ako. Nandito ako as vice president, ginagawan ng paraan paano maibalik ang dating pangulo sa ating bayan. Nagtatrabaho ako through our satellite offices, through our central office of the Office of the Vice President, tuloy-tuloy ang serbisyo namin para sa bayan."

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara sa pananatili niya sa The Netherlands: ‘May duty rin ako sa isang kababayan natin!’

Samantala, sa kaniyang latest vlog ay binoldyak naman ni Maharlika si Usec Castro dahil sa mga nasabi nito laban kay VP Sara.

Aniya, "Inuuna raw ni Inday [Sara] ang mag-travel-travel dito sa Netherlands. Pumunta ba si Inday rito, si VP Sara, para mag-travel siya, business trip or luxury trip. Nakalimutan mo ba Dugyot, vlogger ng Malacañang-turned-Undersecretary na ang amo mo, umikot-ikot sa buong mundo, bitbit pa ang mga pulvoronic niyang mga ka-jamming..."

Giit pa ni Maharlika, tila wala raw gustong mag-invest sa Pilipinas dahil parang wala raw gustong magtiwalang ibang lahi, dahil nagbalikan na naman daw ang "extortion" sa pamahalaan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Usec Castro tungkol dito.