Umani ng reaksiyon at komento ang naka-post na tanong mula sa game show na "Family Feud Philippines" ng GMA Network patungkol sa behikulong ginagamit kapag may suspek na inaaresto.
Mababasa sa art card na naka-post sa official Facebook page ng GMA Network, "Sa Pilipinas, ang suspek na inaaresto ay isinasakay sa..."
Mababasa naman sa option ay letrang A, police car at para naman sa letrang B ay eroplano.
Humamig naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"daming iiyak, tatamaan, at magpi-people power nyan sa facebook hahahhaa"
"DDS na ako, as in Dingdong Dantes Supporter hahaha."
"Problema n'yo?"
"May mga feeling n nman sila pnatatamaan. Ganunpaman, bato-bato sa langit, tamaan sana magising nman!!!"
"Police car, then eroplano. Tapos kung lulusot, wheelchair."
"GMA, pati writers niyo bangag na rin"
"Hype ka dingdong, sa dami dumagdag ka pa!"
"Daming galit na galit, inaano ba kayo? HAHAHAHAHA!"
Batay sa iba pang mga komento ng netizens, mukhang maihahalintulad daw ito sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte patungong International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands sakay ng private plane noong Marso 11 ng gabi.