Natanong si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kung may mensahe na raw ba si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. para sa nalalapit na kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, para sa kasong "crimes against humanity."
Sagot ni Castro sa isinagawang press briefing, "Ako po may mensahe. Kantahan natin ng Happy Birthday! Iyon lang po, eh siyempre birthday po 'yon, kailangan po maging maligaya ang taong nagbe-birthday. At wini-wish po natin siya ng Happy Birthday," simpleng sagot ni Castro.
Sa Biyernes, Marso 28, ay ipagdiriwang ng dating pangulo ang kaniyang 80th birthday. Sinasabing lilipad pa-Netherlands ang pamilya ni Duterte upang makapiling siya.
MAKI-BALITA: VP Sara, ibinahaging bibisita iba pa nilang pamilya sa Netherlands para sa kaarawan ni FPRRD