March 26, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Manunulat kay Deanna Wong: 'Don’t act like you’re untouchable!'

Manunulat kay Deanna Wong: 'Don’t act like you’re untouchable!'
Photo courtesy: Lacruiser P. Relativo (FB)

Naglabas ng open letter ang isang manunulat at maritime practitioner na si “Lacruiser Relativo” kaugnay sa intrigang kinasasangkutan ng volleyball player-celebrity na si Deanna Wong, tungkol sa isang video kung saan makikitang isang lumapit na babae sa kaniya ang biglang umalis matapos niyang kausapin habang nakaupo siya sa bench at tila nanonood ng laro.

Espekulasyon ng mga netizen, mukhang hindi napagbigyan sa selfie ang nabanggit na babae.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens. May mga nam-bash kay Deanna at inungkat ulit ang mga isyu ng umano'y "pang-iisnab" niya sa fans na lumalapit sa kaniya para magpakuha ng larawan.

MAKI-BALITA: Video ng muling pang-iisnab umano ni Deanna Wong, usap-usapan; netizen na nag-upload, kinuyog

Tsika at Intriga

Fans, netizens labis na nag-alala sa kalagayan ni Kris Aquino

MAKI-BALITA: Volleyball star player, 'deanna-mansin' ng fan? Socmed personality na si Jai Asuncion, nag-sorry

May fans at supporters naman na dumepensa sa kanilang lodi at sinabing sana alam din ng mga tao ang pagrespeto sa tinatawag na "personal space" at "privacy."

Isang delivery rider pa nga ang pumuri kay Deanna noon at nagpatotoong hindi raw suplada at isnabera ang volleyball player-celebrity, taliwas sa ipinakakalat ng ilan.

MAKI-BALITA: Deanna Wong, mabait at hindi isnabera, patotoo ng isang delivery rider

Isa nga sa mga sumita noon sa kaniya ay si social media personality Rendon Labador.

MAKI-BALITA: 'DeannaTuto!' Rendon Labador, muling sinita si Deanna Wong sa umano'y pang-iisnab sa Cebu

Sa open letter naman ni Relativo na mababasa sa kaniyang Facebook post noong Lunes, Marso 24, mababasa, "I don’t expect this message to ever reach you, but if it does, I just want to remind you—kindness doesn’t cost a thing. I’m not saying you’re a bad person, but I hope that if you look deep into your heart, you’ll find a sense of gratitude."

"You didn’t reach the top of this sport through personal dedication alone. It was a collective effort—your supporters, the people who showed up, cheered, and stood by you. And at the end of the day, that same community can just as easily be the reason for your downfall."

"This isn’t about a single instance—it’s happened multiple times. You have a reputation for ignoring fans, as if you never have the energy to even offer a smile. Sure, it’s not your duty to cater to them, but whether you’re an athlete or not, acknowledging the people who support you is simply the right thing to do."

"Don’t act like you’re untouchable—there are many others just as talented, if not more deserving, who could take your place. Remember that. Thank you."

Pahabol pa niya, hindi raw niya layuning i-bash ang volleyball player.

"Hindi po ako nang bash. Im just stating a mere fact of her arrogance, angst, and misplaced pride. Thank you," aniya.

Samantala, nakipag-ugnayan naman ang Balita kay Deanna upang alamin ang kaniyang panig sa isyu, subalit wala pa siyang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol dito.