March 31, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

EA, sinopla netizen na nagsabing gusto na raw umatras ni Shaira sa kasal

EA, sinopla netizen na nagsabing gusto na raw umatras ni Shaira sa kasal
Photo Courtesy: GMA Pinoy TV, EA Guzman (FB)

Umapela ng tulong sa publiko si Kapuso actor EA Guzman matapos niyang ibuyangyang ang kaniyang wetpaks sa ginanap na fashion show ng isang patok na clothing line.

MAKI-BALITA: Sey mo, Shaira? Puwet ni EA Guzman, bumulaga sa fashion show

Sa latest Facebook post ni EA Guzman nitong Martes, Marso 25, makikita ang maikling video clip ng fiancée niyang si Shaira Diaz na naka-shades habang nasa tabi ng binatana ng eroplano.

“Guys tulungan n’yo ko! Sa tingin n’yo, tulog ba sya or iniisip n’ya lang yung ginawa ko sa Bench fashion show?” saad ni EA sa caption.

Relasyon at Hiwalayan

Sanya Lopez, bet nang magka-jowa; may nakaka-date na negosyanteng Intsik

Komento tuloy ng isang netizen, "Feeling ko di na itutuloy ang kasal niyo! Hahahahaha!"

“Wag naman,” sagot ni EA.

Matatandaang naloka si Shaira sa pasabog ng kaniyang fiance sa naturang fashion show.

“PWETMALU KA EA Guzman lintek na yan! Sabi mo sakin sasayaw ka lang, nagulat ako nagsigawan sa labas,” ani Shaira.

MAKI-BALITA: Wetpaks ni EA nakita na ng lahat: Sey ni Shaira, 'Naloka ako siz!'

Samantala, nakatakdang ganapin ang kasal nina EA at Shira sa Cavite sa darating na Agosto 2025.

MAKI-BALITA: Kasal nina EA Guzman, Shaira Diaz may petsa na!