March 26, 2025

Home BALITA National

47°C ‘dangerous’ heat index, mararanasan sa Dagupan sa Miyerkules – PAGASA

47°C ‘dangerous’ heat index, mararanasan sa Dagupan sa Miyerkules – PAGASA
Courtesy: Unsplash

Inaasahang aabot sa dangerous heat index na 47°C ang mararanasan sa Dagupan City, Pangasinan bukas ng Miyerkules, Marso 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon sa PAGASA, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Nakasailalim sa danger level ang heat index mula 42°C hanggang 51°C.

Kaugnay nito, nakasaad din sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Martes, Marso 25, na bukod sa Dagupan City ay inaasahan ding mararanasan ang dangerous heat index na 43°C sa San Ildefonso, Bulacan.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

Posible sa mga lugar na may dangerous heat index ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?