May sagot ang komedyanang si Kakai Bautista tungkol sa pang-iintrigang single pa rin siya hanggang ngayon, at malungkot ang buhay ng mga babae o lalaking walang love life sa mga edad na gaya niya.
"Oh ano pakialam ninyo kung matandang dalaga ako?" aniya sa guesting niya sa "Your Honor" hosted nina Buboy Villar at Tuesday Vargas.
"Usually sa culture natin ang laging sinasabi, ‘Malungkot ‘yan kasi single.’ Totoo ba?” Gaganunin ko lang, ‘Sure ka malungkot ako?’ Ano ba masama sa single blessedness? Hindi masama ‘yon, kasi choice ‘yon eh. Ibig mong sabihin masamang tao ang mga madre kasi single blessedness ang pinili nila?”
"Kasi nga guys, ang ikli ng buhay naman. Go lang nang go, pero huwag mong kalilimutang maging responsible and mahalin mo rin ang sarili mo. So dapat go nang go pero responsible," aniya pa.
Nasabi rin ni Kakai na bukas siya sa ideya na magkaroon ng jowang afam, kung sakaling may dumating.
"Kasi dati, ayaw ko pang tsumika sa afam. Ngayon gusto ko nang tsumika,” pahayag ng komedyante.
“Ang sinasabi ko lang lagi sa mga afam, if you want to date me or see me, you have to go to the Philippines. Or you have to make a way just to see me. Make a big effort,” aniya pa.