March 26, 2025

Home BALITA National

NBI, DOJ, balak tuntunin ang mastermind sa paglaganap ng fake news

NBI, DOJ, balak tuntunin ang mastermind sa paglaganap ng fake news
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Justice (DOJ) ang mas malalim na imbestigasyon nila laban sa "fake news" peddlers sa bansa. 

Sa panayam ng media kay NBI Director Jaime Santiago, inihayag niyang balak din nilang tuntunin kung may mastermind ang mga nagpapakalat ng fake news. 

"Pinag-aaralan naming mabuti kung bakit gano'n ang tema ng mga vloggers natin ngayon. Meron bang namumuno sa kanila? Tinitignan po namin 'yan," ani Santiago. 

Dagdag pa niya, "Tinitignan namin bakit dumadami. Bakit parang iisa ang tema nila? Sumasakay sa kaguluhan ng ating political atmosphere.”

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’

Samantala, nagkomento naman si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla hinggil sa freedom of expression, kaugnay ng ikinakasa nilang imbestigasyon. 

"Binabalanse po namin mabuti. Ako bilang dating hukom… binabalanse ko ‘yan. I understand and respect freedom of speech, freedom of expression,” aniya.

Saad pa ni Remulla, "Pero kapag lumampas na sa hangganan, nakaka-commit na sila ng inciting to sedition, nakaka-commit na sila ng libel, kailangan sawatain natin ‘yan."

Matatandaang kamakailan lang nang arestuhin ng NBI ang isang babae mula sa Cebu matapos siyang magpakalat ng pekeng quote card ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, tungkol sa ilegal na droga.

KAUGNAY NA BALITA: Babaeng nagpakalat ng pekeng pahayag ni PBBM, timbog ng NBI