March 26, 2025

Home BALITA National

Heat index sa 2 lugar sa PH, aabot sa ‘danger’ level sa Martes – PAGASA

Heat index sa 2 lugar sa PH, aabot sa ‘danger’ level sa Martes – PAGASA
Courtesy: Unsplash

Inaasahang aabot sa “danger” level ang heat index sa dalawang lugar sa bansa bukas ng Martes, Marso 25, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Lunes, Marso 24, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa mga sumusunod na lugar:

43°C - Dagupan City, Pangasinan  

42°C - CBSUA-Pili, Camarines Sur

National

Malacañang sa petisyon ni Honasan sa ICC: ‘Coordinate first with Duterte’s legal team’

Paliwanag ng weather bureau, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?