Nagbigay ng paalala ang Department of Education (DepEd) sa kaguruan at iba pang empleyado ng paaralan hinggil sa political campaigning sa kasagsagan ng graduation at moving up ceremony.
Sa ibinabang memorandum ng DepEd nitong Lunes, Marso 24, iginiit ang pagpapanatili ng propesyunalismo at political neutrality sa nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE).
Ipinaalala ng kagawaran ang nakasaad sa DepEd Order No. 048, s. 2018 na nagbabawal sa mga opisyal ng paaralan na lumahok sa anomang kampanya o political partisan activity.
Inaasahang gaganapin ang End-of-School-Year Rites para sa Kindergarten, Grade 6, Grade 10, at Grade 12 sa Abril 14 o 15.
Ayon sa DepEd, ang natakdang tema ngayon taon para sa naturang pagtitipon ay “Henerasyon ng Pagkakaisa: Kaagapay sa Bagong Pilipinas.”