Pinabulaanan ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Guo Jiakun na nagpadala ng asylum application si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang magtungo ito sa Hong Kong sa pagdalo sa isang pagtitipon, bago siya umuwi ng Pilipinas at arestuhin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Marso 11, 2025.
Taliwas sa mga kumalat na ulat, sinabi ni Jiakun na wala raw natanggap ang pamahalaan ng China mula sa kampo ni Duterte, sa isang press conference na isinagawa ngayong Lunes, Marso 24, batay na rin sa ulat ng Reuters.
Nagpunta umano ang dating pangulo sa Hong Kong para sa kaniyang "personal holidays."
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD, ‘ipagpapasa-Diyos’ na ang kaniyang kapalaran – VP Sara
KAUGNAY NA BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD