March 31, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Lito Lapid, Coco Martin sanib-puwersa sa pag-endorso ng 'FPJ party-list'

Sen. Lito Lapid, Coco Martin sanib-puwersa sa pag-endorso ng 'FPJ party-list'
Photo courtesy: Contributed photos via Mark Balmores (MB)

All-out ang suporta nina "FPJ's Batang Quiapo" star Coco Martin at Sen. Lito Lapid sa pag-endorso sa FPJ Panday Bayanihan party-list sa ginanap na campaign rally sa Malvar, Batangas noong Sabado, Marso 22.

Ang nabanggit na partido na ipinangalan sa yumaong si Da King Fernando Poe, Jr. ay pinamumunuan ni Bryan Poe-Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe, na anak naman ng pumanaw na "King of Philippine Cinema."

Sa kaniyang talumpati, inalala ni Lapid kung paano nakatulong sa kaniyang amang stuntman noon si FPJ, at kung paano naman siya nito sinuportahan sa kaniyang career.

Samantala, si Coco naman ay itinuturing na "tagapagmana" ni FPJ matapos niyang sundan ang yapak nito, at gawin ang matatagumpay na teleseryeng halaw mula sa pelikula ni Da King gaya ng "Ang Probinsyano" at "Batang Quiapo."

Eleksyon

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na