Inamin ni Senador Imee Marcos na matagal na niyang hindi nakakausap ang kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil “maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang.”
"Hindi na kami nag-uusap, matagal na," saad ni Sen. Imee sa isang panayam nitong Sabado, Marso 22.
Dagdag niya: "Maraming nakapaligid sa kanya na humaharang sa aming mag-usap.”
Samantala, sa naturang panayam ay sinabi ng senadora na ayos lang sa kaniyang hindi siya binanggit ni PBBM sa mga senatorial candidates na inendorso nito sa campaign rally ng kanilang slate na Alyansa para sa Bagong Pilipinas sa Cavite noong Biyernes, Marso 21.
MAKI-BALITA: Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD
MAKI-BALITA: PBBM, 'di binanggit pangalan ni Sen. Imee sa campaign rally ng Alyansa
Matatandaang nangyari naman ang hindi pagbanggit ni PBBM sa pangalan ni Sen. Imee sa nasabing campaign rally matapos pangunahan ng senadora ang pag-imbestiga ng Senado sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes, Marso 20.
MAKI-BALITA: Sen. Imee, tinawag na ‘pang-aalipin’ ang ‘hustisyang ipinapataw ng dayuhan’
Sa nasabing pagdinig ng Senado, inungkat din ng senadora sa naturang pagdinig ang naging pahayag noon ni PBBM na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC, ngunit muling iginiit ni Justice Secretary Boying Remulla na nakipagtulungan lamang umano ang pamahalaan sa Interpol.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte upang dinggin ang kaso nitong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga nito.
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD