May mensahe si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa mga umano’y nagnanais na harangin ang asylum application niya sa Netherlands.
Sa pamamagitan ng Facebook post, tahasan niyang iginiit na tanggalin umano sa posisyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ikulong ang New People’s Army (NPA).
“Sa mga gusto i-block ang asyym ko: tanggalin n’yo si Marcos at ikulong lahat ng teroristang CPP-NPA! Sure na sure na ma-deny ang asylum ko! Pls!” ani Roque.
Matatandaang kamakailan lang nang ihayag niyang nakapagsumite na siya ng asylum sa Netherlands matapos siyang alisin bilang legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
KAUGNAY NA BALITA: Roque, naghain na ng asylum; 'Di na raw siya pwedeng pabalikin sa 'Pinas
Samantala, umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang naturang post ni Roque mula sa netizens.
“Mr. Harry Roque, mismong si Sara Duterte na nag-clarify that you aren’t even part of their legal team. You simply aren’t significant enough.”
“Feeling relevant ka naman para maging target!”
“Praying for you Sir. All is well.”
“Laban lang sir!”
“Hindi kasi kayo marunong silent move,same kayo ni VP kaya naiisahan kayo palagi.”
“Political asylum is reserved for victims, not perpetrators/enablers, of political persecution such as yourself. Isaksak mo yan sa kokote mo!”