Pinapalakpakan at hinahangaan ang ilang namataang "hot mommas" na nakipagsabayan sa pinag-uusapang fashion show ng isang apparel brand sa Pasay City noong Biyernes, Marso 21.
Paano ba naman kasi, parang walang mga anak ang ilang celebrity moms na kasama sa mga rumampa sa runway, na kahit sa pagdaan ng panahon, parang hindi naman nabago ang figure nila and para silang wine o alak na habang tumatagal, "lalong sumasarap."
Ilan nga rito ay ang aktres na sina Sunshine Cruz, beauty queen-actress na si Priscilla Meirelles, at si Sabado Night Girl Ina Raymundo.
Si Sunshine ay loving mother sa mga junakis nilang nagmana ng kagandahan sa kaniya at sa ama nilang si Cesar Montano.
Nagbiro tuloy ang mga netizen kay John Estrada, mister ni Priscilla, na heto na raw ang "sinayang" niya.
At siyempre pa, hindi naman mawawala sa rampahan si Ina na happily married na rin sa kaniyang afam na mister.
Kabog!